Joshua Feliciano - Gunita Lyrics
Lyrics
Joshua Feliciano - Gunita
Kahit `di na pakuin
Nakaukit na sa `kin
Puso man ay pagurin
Ang tibok sa ‘yo pa rin
Paligid ma`y tauhin
Ganda mo`y tanaw pa rin
Dagat sa `king buhangin
Sa ‘yo babalik pa rin
Kumupas man ang memorya na ating pinunan
Alaala ma`y tuluyang lumisan
Kung `di ka na kilala`t muli kitang makita
Sa tahanan mo pa rin ang punta
Bente kwatrong oras man
Tumitig sa kawalan
Inip ay `di mapansin
Sapagkat tanaw sa mga bituin
Kinabukasan natin
Oh kumupas man ang memorya na ating pinunan
Alaala ma`y tuluyang lumisan
Kung `di ka na kilala`t muli kitang makita
Sa tahanan mo pa rin ang punta
Sa `yong mga halik (Sa `yong mga halik)
Sa tahanan mo`y mananabik (Sa tahanan mo`y mananabik)
Sa `yong mga halik (Sa `yong mga halik)
Sa tahanan mo`y muling mananabik
Kumupas man ang memorya na ating pinunan
Alaala ma`y tuluyang lumisan
Kung `di ka na kilala`t muli kitang makita
Sa tahanan mo pa rin (Ang punta)
Sa tahanan mo pa rin
Sa tahanan mo pa rin ang punta