SunKissed Lola - HKP Lyrics
Lyrics
SunKissed Lola
"HKP"
Hanggang salita lang
Mahirap bang umasa sa wala?
Nagbubulag-bulagan pa
Akala yatang 'di ko pa alam.
Mahirap bang aminin na hindi ka na masaya?
Ipagpilitan kahit may pagtingin na sa iba.
Parang alanganin pang ika'y patawarin pa
Alang-alang na rin para sa'ting dalawa.
Puro salita lang
Nawawala ang pinanghahawakan
Naupod na ang aking dila
Kakangawa at kasasalita.
Hindi naman sinasadya,
'Yan ang paliwanag niya
('Di kapani-paniwala)
'Di napigilan ang sarili
Nalaman ko pa sa iba.
Parang alanganin pang ika'y patawarin pa
Alang-alang na rin para sa'ting dalawa
Huwag kang paasa.
Parang alanganin pang ika'y patawarin pa
Alang-alang na rin para sa'ting dalawa.
Parang alanganin pang ika'y patawarin pa
Alang-alang na rin para sa'ting dalawa
Huwag kang paasa
Walang pag-asa
'Di na aasa.
MUSIC VIDEO SunKissed Lola - HKP
