SunKissed Lola - Makalimutan Ka Lyrics
Lyrics
SunKissed Lola
"Makalimutan Ka"
Paano ba ang kalimutan ka?
Nakangiti ka na naman
Ngunit hindi na ako ang dahilan
Ang ating dati, agad mong nalimutan
Naiwan akong mag-isa sa nakaraan.
Alam kong hindi na mababalikan
Ngunit nananatiling ikaw ang dahilan
Ng saya sa likod ng mga ngiti at pagtawa
Na hindi na makikita ngayong wala ka na.
Dami-daming katanungan
Sagutin mo naman.
Paano ba ang kalimutan ka?
Bakit parang kay dali mong nagawa sa akin?
Paano ba ang kalimutan ka?
Gusto ko na ring sumaya.
Paanong hindi masasaktan?
Kung sa bawat pagpikit ikaw pa rin ang nasisilayan?
Sana 'di mo nalang ako iniwan
Binigla mo pa 'di man lang dinahan-dahan.
Paano ba ang kalimutan ka?
Bakit parang kay dali mong nagawa sa akin?
Paano ba ang kalimutan ka?
Gusto ko na ring sumaya.
Tulungan mo naman ako
Turuan mo naman ako
Tulungan mo naman ako.
Paano ba ang kalimutan ka?
Bakit parang kay dali mong nagawa sa akin?
Paano ba ang kalimutan ka?
Gusto ko na ring sumaya.
Pero, pero
Tama ba ang kalimutan ka?
Bakit ba kay hirap magawa sa'yo, oh?
Paano kung makalimutan nga kita?
Kakayanin ko na rin kayang sumaya?.
MUSIC VIDEO SunKissed Lola - Makalimutan Ka
